NO. 1 NA KLASE NG MAIS MULA VIETNAM, IPINAKILALA SA BAYAN NG BAYAMBANG

Sa katatapos lamang na pagbisita ng mga opisyal Ng CP Seeds mula Vietnam sa bayan Ng Bayambang, kanilang ipinakilala ang pinakasikat na uri ng mais sa kanilang Bansa.
Nakilahok ang ilang mga katuwang na ahensya at ang nasabing organisasyon na nagmula sa vietnam.
Ang mga opisyal Ng CP Seeds ay ibinida ang 501S na klase Ng buto ng mais na diumano resistant sa mga fall armyworm at kayang makapagproduce ng 7-10 tonelada kada ektarya.

Samantala, sa buwan ng marso ay nakatakdang mag patayo ang BRPAT ng demo farm sa nasabing bayan na katulad ng mga naunang farm sa bayan ng Isabela at Santa Maria sa lalawigan ng Pangasinan. |ifmnews
Facebook Comments