No. 18 na Most Wanted Person sa Aklan, arestado sa Antipolo City

10

Kalibo, Aklan – Arestado ng mga otoridad ang No. 18 na Most Wanted Person sa Aklan kahapon ng hapon sa Antipolo City. Ang akusado ay kinilalang si Bobby Masula, 27-anyos, construction worker, native ng Barangay Castillo, Makato, Aklan at kasalukuyang nakatira sa Sitio Tanza 1 Barangay San Jose, Antipolo City, Rizal. Si Masula ay inaresto nga mga tauhan ng PIT-Rizal RIU 4A, PIT- Aklan RIU 6 (Lead Unit), kasama ang CIDG Rizal PFU, 404th AMC RMFB4A, PIU Aklan, Aklan Trackers, 1st Aklan PMFC at Makato MPS, Aklan PPO sa bisa ng Warrant of Arrest na may Criminal Case No. 10513 sa kasong murder na inisyu ni Hon. Domingo Casiple, Presiding Judge RTC, Branch 8, Kalibo, Aklan na may petsang September 6, 2012. Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Si Masula ay sangkot sa insidente ng pagpatay kay Rolando Masula ng Brgy. Castillo, Makato noong Disyembre 5, 2011. Nakatakda namang dalhin si Masula dito sa Aklan para iharap sa korte.

Facebook Comments