No. 2 most wanted person ng San Juan City Police, arestado

47

Hindi na pumalag pa ang isang lalaking construction worker matapos ihain ng mga pulis ang warrant of arrest laban sa kanya kasong robbery.

Nakilala ang suspek na si Jefferson Famintera Toshimitsu, tatlongpu’t isang taong gulang at number two most wanted person ng San Juan Police Station.


Batay sa ulat ng San Juan City PNP, ginawa ang operasyon laban sa suspek pasado alas-10:15, gabi ng Pebrero katorse sa San Perfecto St. Barangay San Perfecto San Juan City.

Si Judge Ferdinand T. Rafanan, presiding judge ng San Juan City National Capital Judicial Region RTC Branch 264 ang nagbaba ng warrant of arrest laban sa suspek.

Mahinahon naman na sumama si Toshimitsu sa mga otoridad ng San Juan Police Intel section at Station Drugs Enforcement Unit o SDEU.

Nakakulong na ang suspek sa nasabing police station para harapin ang kasong isinampa laban sa kanya.

Facebook Comments