No. 7 Most Wanted Person ng Muntinlupa Police, arestado na!

Timbog ang No. 7 Most Wanted Person ng Muntinlupa Police para sa second quarter ng 2020.

Inihain ang Warrant of Arrest laban kay Marlon Barnido Barcelon, 20-anyos, residente ng Brgy. Putatan, na may kasong Robbery.

Sa ulat ng pulis, nakatanggap sila ng impormasyon sa kinaroroonan ng suspek kaya naman agad nilang ikinasa ang operations pasado alas-11:00 ng umaga, araw ng Linggo, May 10, 2020.


Dahilan para maaresto ang suspek sa tinitirahan mismo nito sa 604 Brgy. Putatan, lungsod ng Muntinlupa.

Si Judge Philip Aguinaldo ng Regional Trial Court Branch 207 ang nagbaba ng Warrant of Arrest laban sa suspek noon pang March 11, 2010 na kaukulang piyansa na ₱100,000.

Pansamantalang nakakulong ang suspek sa Muntinlupa Philippine National Police (PNP) Station Custodial Detention Facility habang hinihintay ang rekomendasyon ng korte.

Facebook Comments