No. 8 most wanted person ng Solana Tuguegarao, arestado sa San Juan City

98

 

Tapos na ang pagtatago ng isang lalaking electrician na number 8 most wanted person sa Solana Munisipal, lalawigan ng Tuguegarao, matapos isagawa ang follow-up operation laban sakanya.

 

Nahuli ang suspek na si Peter Calueng alyas Bolet, 30-anyos, sa tinitirahan nito sa Barangay Salapan, San Juan City, pasado alas-6:30, Biyernes ng hapon, February 21.


 

Hindi na ito pumalag matapos hainan ang warrant of arrest sa kasong frustrates murder ng mga pulis ng San Juan City at ng Solana Philippine National Police (PNP) na inisyu no Judge Marvin Cacatian-Beltran ng Tuguegarao Regional Trial Court Branch 3.

 

Nakakulong na ang suspek sa San Juan City Custodial Facility para panagutan ang kasong inihain laban sa kanya.

Facebook Comments