Manila, Philippines – Mahigpit na ipatutupad ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang “no appointment, no record” scheme.
Ito ay upang mabawasan ang mahahabang pila sa kanilang mga tanggapan.
Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia – kinakailangan na ng mga OFW na mag-set ng appointment sa pamamagitan ng OFW Record Online Appointment System (OROAS) bago ma-accommodate ng kanilang tauhan.
Aniya, hindi na tatanggapin ang mga walk-in applicants.
Karamihan sa mga walk-in na kanilang natatanggap ay household services workers.
Sinimulan ng POEA ang partial implementation ng oras noong December 2018 na umani ito ng positibong feedback.
Maaaring ma-access ang OROAS sa www.ofwrecords.poea.gov.ph.
Facebook Comments