Pinaigting sa mga paaralan sa lungsod ng Dagupan ang “No Assignment, No Project” policy na ipinatupad ng Department of Education matapos itong mahigpit ipinaalala sa mga school divisions at mga guro sa lungsod sa isang linggong sembreak na ibinigay para sa mga mag-aaral.
Ito ay upang pagpahingain ang mga mag-aaral sa kanilang akademikong aspeto at walang munang gagawin at alalahanin habang nasa sembreak pa.
Noong lunes pa ngayong linggo nagsimula ang semestral break ng mga mag-aaral.
Kasabay din nito ang pagsasailalim ng mga guro ng training na naglalayong makatulong sa kanila sa adjustment na naganap ngayong new normal lalo na sa klase ng learning na naipatupad sa mga bata noong pandemya at ngayong nagbabalik na rin ang face to face classes. |ifmnews
Facebook Comments