No backpack policy at iba pang polisiya, ipatutupad ng PNP sa inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos

May ilang paalala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga dadalo sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa hunyo a-30 sa National Museum.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni NCRPO Public Information Officer Police Lieutenant Colonel Jenny Tecson na mahigpit nilang ipatutupad ang ‘No Backpack’ policy kung saan ang mga magsisipunta ay hinihikayat na magdala lamang ng maliit o transparent na bag.

Pakiusap din ni Col. Tecson na wag nang magdala pa ng mga bata.


Aniya, limitado lamang ang pwedeng i-accommodate pero maglalagay naman ang mga organizers ng malalaking LED TV upang mapanuod ng publiko ang panunumpa ni incoming President Bongbong Marcos.

Samantala, magpapatupad din sila ng road closure sa kahabaan ng P. Burgos Avenue mula Taft Avenue patungong Roxas Boulevard; gayundin ang kahabaan ng Finance Road, mula P. Burgos hanggang Taft Avenue at iba pang kalsada na malapit sa National Museum kung kaya’t magpapatupad ang Manila Traffic Bureau ng re-routing scheme na kanilang ipu-publish para sa kabatiran ng mga motorista.

Maliban dito, magpapatupad din sa lugar ng “no-fly and no drone flying zone” at yung mga raliyista ay papayagan lamang mag welga sa mga itinakdang freedom areas o mga parke.

Una nang nabanggit ng PNP na wala silang na-monitor na possible threat sa nakatakdang inagurasyon ni incoming President Bongbong Marcos.

Facebook Comments