“No bakuna, no ayuda” policy sa mga 4Ps beneficiary, pinag-aaralan na ng DILG

Pinag-aaralan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang “no bakuna, no ayuda” policy sa mga hindi pa bakunadong benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III, marami pa rin kasi sa ating mga kababayan sa mga rehiyon ang ayaw na magpabakuna laban sa COVID-19.

Aniya, hindi nagkulang ang gobyerno sa pagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagbabakuna.


Maliban dito, pinaplano na rin aniya ng DILG na amyendahan ang Republic Act 11525 o vaccination program law para gawing mandatory ang pagpapabakuna.

Dagdag pa ni Densing, tinitignan na rin nila na panagutin ang mga lokal na opisyal sa mga rehiyon na mabagal ang vaccination rollout.

Facebook Comments