NO BALANCE BILLING, PAGTITIBAYIN SA LABING-APAT NA GOVERNMENT RUN HOSPITAL SA PANGASINAN

Wala na umanong ni sentimo na babayaran ang mga pasyente sa labing-apat na ospital sa Pangasinan, alinsunod sa itinataguyod na ‘No Balance Billing’ ng Pamahalaang Panlalawigan.
Sa naganap na question hour sa Sangguniang Panlalawigan, tiniyak ni Provincial Management Hospital and Services Office Head Dr. Tracy Lou Bitoy ang pagtalima ng labing-apat na government run hospitals sa naturang patakaran, kasunod ng direktiba ni Gov. Ramon Guico III.
Patuloy ring pinapalawig sa lalawigan ang mga serbisyong medikal kung saan ayon sa pamunuan ay mayroong mga serbisyong makukuha nang libre ng mga pasyenteng charity cases.
Samantala, ang mga nabanggit na ospital ay ang mga sumusunod:
Pangasinan Provincial Hospital, Western Pangasinan District Hospital, Eastern Pangasinan DH, Urdaneta DH, Bayambang DH, Mangatarem DH, Lingayen DH, Pozorrubio Community Hospital, Asingan CH, Bolinao CH, Umingan CH, Manaoag at Mapandan Community Hospital. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments