NO BALANCE BILLING SA MGA GOVERNMENT-RUN HOSPITALS, KASADO NA

Ipapatupad na ang “No Balance Billing” policy sa 14 pampublikong ospital ng lalawigan ng Pangasinan, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Provincial Health Office, maaaring makakuha ng libreng serbisyo ang mga pasyente na naka-admit sa basic accommodation, basta’t ang kinakailangang gamutan ay available sa ospital. Inaasahan ding makikinabang dito ang mga hindi pa miyembro ng PhilHealth sa pamamagitan ng on-site enrollment habang naka-confine.

Binabantayan ng Provincial Hospital Management Services Office ang maayos na pagpapatupad ng polisiya. Patuloy rin ang pagsasaayos ng pasilidad, pagdagdag ng medical equipment, at pagpapalawak ng mga ospital upang mas matugunan ang pangangailangan ng mga pasyente.

Sa kasalukuyan, may 914 DOH-authorized bed capacity ang mga ospital ngunit umaabot sa 1,600 ang aktwal na kapasidad. Target ng pamahalaang panlalawigan na magdagdag pa ng 200 hanggang 300 kama sa loob ng tatlong taon.

Pinalalakas din ang pondo at sistema ng procurement para matiyak ang sapat at tuloy-tuloy na suplay ng gamot at serbisyong medikal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments