‘No collection policy,’ muling iginiit ng DepEd Region 9

Pagadian, Philippines – Pinaalalahanan ng Department of Education region 9 (DepEd9) ang lahat ng pampublikong paaralang elementarya at sekundarya sa rehiyon na huwag oobligahin ang mga estudyante na magdala ng anumang supplies para sa eskuwelahan, alinsunod sa “no collection” policy ng kagawaran.

Ito ang naging paalala ni DepEd 9 regional Director Isabelita Borres sa panayam ng RMN Pagadian, kasunod ng mga ulat na inoobliga ng ilang pampublikong paaralan ang mga estudyante na magdala ng mga utility box at iba pang kagamitan sa eskuwela.

Aniya, sa polisiya ng kagawaran, ipinagbabawal sa lahat ng opisyal ng eskuwelahan na mangolekta ng anumang bayarin sa enrollment at sa mga unang araw ng klase, gayundin para sa mga aktibidad na may kinalaman sa paaralan, gaya ng graduation rites at Christmas party.
DZXL558


Facebook Comments