Manila, Philippines – Hindi na magkokomento pa ang Armed Forces of the Philippines sa usapin may kaugnayan sa West Philippine Sea.
Ito ang pahayag ni AFP Spokesperson Col Edgard Arevalo, matapos ang naging pahayag ng Malacañang na hindi banta sa seguridad ng bansa ang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Arevalo na ang Department of Foreign Affairs ang naatasang magbigay ng update sa mga development sa West Philippine Sea.
Tiniyak naman ni Arevalo na nagagawa ng sandatahang lakas ng Pilipinas ang kanilang mandatong bantayan ang teritoryo ng bansa.
Ito ay sa pamamagitan ng kanilang regular na ginagawang air at maritime patrol sa West Philippine Sea.
Lahat aniya ng kanilang namomonitor ay ipinapaalam nila sa National Leadership dahil ang usapin may kaugnayan sa National Policy at Foreign Policy ay hindi sakop ng Armed Forces of the Philippines.