Manila, Philippines – Tumangging magkomento si Senior Associate Justice Antonio Carpio hinggil sa ulat na magiging bukas na siya sa nominasyon bilang punong mahistrado oras na magretiro na si Chief Justice Teresita De Castro sa Oktubre.
Sa isang text message, sinabi ni Carpio, no comment muna siya sa isyu.
Sa kabila nito, umaasa si Integrated Bar of the Philippine President Abdiel Fajardo na sa pagkakataong ito ay tatanggapin na si Carpio ang kaniyang nominasyon sa pagka-chief justice.
Giit ni Fajardo, kapag tinanggap ni Carpio ang nominasyon tiyak niyang masusubok ang sinabi noon ng Pangulong Rodrigo Duterte na seniority.
Una na kasing sinabi ng Pangulo na seniority ang naging dahilan niya kaya pinili niya si De Castro bilang punong mahistrado.