NO COMMENT | Cristine Reyes, todo deny pa din na hiwalay na sa kaniyang mister

Manila, Philippines – Usap-usapan ngayon sa social media kung hiwalay na nga ba ang aktres na si Cristine Reyes sa asawa nitong si Ali Khatibi.

Ito ay matapos na ibalik ni Cristine ang kaniyang pangalan sa pagka-dalaga sa lahat ng kaniyang social media accounts kung saan tinanggal na nito ang apelyido ng asawa.

Matatandaan na nitong nakaraang mga buwan ay ilang beses na nag-post si Cristine ng mga quotes tungkol sa problema sa kasal.


Hindi din direktang sinagot ni Cristine ang tanong ng ilan kung may katotohanan ang balitang pinaalis niya ang mister sa kanilang bahay early this year dahil sa kawalan diumano ng regular na trabaho ni Ali.

Until now, patuloy pa din nananahimik ang aktres at ayaw sagutin kung talagang hiwalay na sila ng asawa.

Facebook Comments