Manila, Philippines – Hindi na pinatulan ng Malacañang ang hamon ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na magbitiw na sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ayaw na niyang magkomento kaugnay kay Sereno gaya ng ginawa ng Pangulo sa ambush interview.
Aniya, hayaan na lamang nila si Sereno na manahimik bilang isang pribadong indibidwal.
Una nang sinabi ni Duterte na wala siyang kinalaman sa quo warranto petition laban kay Sereno at kung may isang mahistradong magsasabing kinausap niya, handa siyang magbitiw sa pagkapangulo.
Giit naman ni Roque na iginagalang nila ang pahayag ni Senador Panfilo Lacson na “premature” ang resolusyon ng Korte Suprema sa quo warranto petition laban kay Sereno.
Facebook Comments