Manila, Philippines – Tumanggi munang magkomento ang Department of Tourism (DOT) sa pahayag ng radio personality na si Ben Tulfo.
Iginiit kasi ni Tulfo na wala ito balak na isauli ang kontrobersyal na 60 million pesos na ibinayad ng DOT bilang ad placement sa PTV-4.
Sa isang text message, hindi muna magbibigay ng pahayag ang DOT hinggil sa isyu.
Una nang sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ng kapatid ni Tulfo na si dating Tourism Secretary Wanda Teo na handa nilang ibalik ang 60 million pesos.
Matatandaang nangako ang kasalukuyang kalihim na si Bernadette Romulo-Puyat na tatapusin ang korapsyon at maling gawain sa kanyang ahensya sa pamamagitan ng pag-review sa lahat ng mga transaksyon nito.
Facebook Comments