NO COMMENT | Ilocos Norte Governor Imee Marcos, tikom ang bibig sa hatol ng Sandiganbayan sa kaso ng ina

557

Tumangging magbigay ng komento si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa guilty verdict ng Sandiganbayan 5th division sa pitong kasong graft laban sa kaniyang ina na si dating first lady Imelda Marcos.

Ito ang sinabi ni Imee matapos siyang dumalo sa isang programa sa Trinity University of Asia.

Ito ay kaugnay ng opisyal na pagsasanib ng puwersa ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sarah Duterte ang ng Serbisyo ng Bayan party ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte.

Ayon kay Imee, hindi pa niya nababasa ang inilabas na desisyon kung kayat mahirap magkomento.

Pinangunahan mismo ni Mayor Sarah ang pledge of alliance sa mga miyembro ng Serbisyo ng Bayan.

Kabilang sa mga nanumpa ay sina:
Sen. Cynthia Villar
Sen. Jinggoy Estrada
Sen. J V Ejercito
Rep. Zajid Mangudadatu
Rep. Pia Cayetano
Gov. Imee Marcos.
Gen. Ronald “Bato” Dela Rosa
SAP. Bong Go
Sen. Sonny Angara
Atty. Harry Roque
Mr. Jiggy Manicad

Facebook Comments