Manila, Philippines – Tikom na ang bibig ni Atty. Aileen Lizada, ang spokesperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos na maglabas siya ng message sa LTFRB Viber group na nagsasabi na lahat ng gustong itanong ng media ay iderekta na kay chairman Martin Delgra.
Hindi na rin sumagot si Lizada nang tanungin siya ng mga taga-media kung ano ang dahilan ng kaniyang biglaang pananahimik.
Laking panghihinayang naman ng mga taga-media sa biglaang pamamaalam ni Lizada dahil epektibo pa naman ito sa paghawak sa mga concerns ng taga-media.
Bago ang kaniyang pananahimik, naging agresibo si Lizada sa kaliwa’t kanang na pagsagot sa mga batikos sa kampanyang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok.”
Facebook Comments