NO COMMENT | Malacañang, dumistansiya sa mga issue sa Korte Suprema at kay CJ Sereno

Manila, Philippines – No comment ang Palasyo ng Malacanang sa desisyon ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na pumasok na sa Korte Suprema.
Matatandaan na kanina ay tinapos na ni Sereno ang kanyang indefinite leave at pumasok na sa korte suprema sa harap ng Quo warranto petition na nakasampa laban sa kanya.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, hindi manghihimasok ang ehekutibo sa panloob na issue sa korte suprema partikular sa muling pagpasok ni CJ Sereno at ang Quo Warranto Petition.
Paliwanag ni Roque, iginagalang ng Malacanang ang Judicial independence at ang separation of powers ng tatlong sangay ng Gobyerno.

Facebook Comments