ARCHIVED CONTENT: This is a static preservation copy of an historical RMN Networks article. Live interactive widgets have been optimized for high-speed offline storage.

NO COMMENT | Malacañang hands off sa issue ng pagpapalit ng liderato ng Kamara

Manila, Philippines – Tumanggi na munang magbigay ng komento ang palasyo ng Malacañang sa napabalitang palitan ng liderato sa Kamara ngayong araw.

Nabatid kasi na umuugong ang pangalan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na posibleng pumalit kay Congressman Pantaleon Alvarez bilang House Speaker.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na panloob na usapin ng Kamara ang bagay na ito kaya hindi na sila magbibigay ng komento.

Hindi aniya manghihimasok ang palasyo rito dahil may sariling sistema o palakad ang Kamara bilang bukod na sangay ng pamahalaan.

Facebook Comments