NO COMMENT | Malacañang, tahimik sa issue ng pagpapasibak umano ng 9 na PCOO officials kay Usec. Mocha Uson

Manila, Philippines – Tikom ang bibig ng mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office o PCOO sa napabalitang liham na isinumite umano ng 9 na hindi pinapangalanang opisyal ng PCOO sa tanggapan ng Executive Secretary na nagpapasibak o paglipat kay PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Sa isang text message ay sinabi ni PCOO Assistant Secretary Ana Marie Banaag na hindi niya makumpirma at hindi din niya mapapabulaanan ang naturang ulat dahil hindi pa niya nakikita ito.

Sinabi naman ni Communications Secretary Martin Andanar na makikipag-ugnayan muna siya kay executive Secretary Salvador Medialdea.


Matatandaan na makailang bases nang napasok sa ibat-ibang issue si Uson at ang huli ay ang viral video nito patungkol sa Federalismo na umani ng madaming negatibong reaksyon.
Binanatan narin naman si Uson ni Philippine Information Agency Director General Harol Clavite at umapela pa ito kay Uson na lumiban muna sa trabaho dahil nakakasira aniya ito sa propesyon ng communication at sa mga kababaihan sa buong bansa.

Facebook Comments