Manila, Philippines – Tumangging magkomento si Presidential Communications Secretary Martin Andanar sa issue ng 60 million pesos na ibabalik ng Bitag Media nila Erwin at Ben Tulfo na ibinayad sa kanila ng Department of Tourism para sa Advertisement fund na umere naman sa blocktime program ng mga ito sa PTV 4.
Matatandaan na ang PTV 4 ay mayroong sariling Charter pero ito ay nasa ilalim parin ng pamamahala ng Presidential Communications Operation Office o PCOO na pinamumunuan ni Andanar.
Ayon kay Secretary Andanar, hindi muna siya magkokomento sa nasabing issue hanggang hindi pa natatapos ang mga ginagawang imbestigasyon.
Paliwanag ni Andanar, sa ngayon ay sumusunod na ang PTV 4 sa mga iniutos ng Commission on Audit at ngayon ay nagiimbestiga ang office of the President sa nasabing issue kaya hindi pa siya makapagkokomento dito.
Matatandaan na sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na kabilang si Andanar sa mga iniimbestigahan kasama sina Tourism Secretary Wanda Teo at magkapatid na Ben at Erwin Tulfo.
NO COMMENT | Martin Andanar, hindi na muna magsasalita sa 60 million pesos na budget ng DOT
Facebook Comments