Manila, Philippines – Tumanggi si Mayor Sarah Duterte na magbigay ng komento sa sinasabing maniobra niya ang plano na patalsikin bilang speaker si Pantaleon Alvarez.
Ito ay sa kabila ng paggiit na tanungin siya rito matapos ang ginanap na pormal na paglagda ng kasunduan para sa sister agreement sa pagitan ng QC government at Davao city government.
Ang paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) of Sister City Cooperation ay unang itinakda noong ika-27 ng Hunyo, ngunit hindi nakarating si Mayor Sara sa seremonya dahil sa ilang kadahilanan.
Ang paglagda ng MOA ay isinagawa sa harap ng mga konsehal, department heads, barangay officials, at iba pang panauhin mula sa Davao at lungsod ng Quezon.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Mayor Sarah na, masaya ito na tinanggap ng Quezon City ang renewal ng sister-city hood agreement.
Aniya mataas ang kanilang pagtingin sa Quezon City dahil kasi tinitingnan nila ang mga best practices ng ibang lungsod na makakatulong na mapaganda pa ang kanilang serbisyo publiko doon.