NO COMMENT | Michela Cazzola, ayaw makialam sa alitan nina Kris Aquino at partner nitong si James Yap

Manila, Philippines – No comment at ayaw makialam ni Michela Cazzola sa alitan ng partner nitong si James Yap at dating misis na si Kris Aquino.

Ito ay matapos magkomento ang isang netizen kay Cazzola na kausapin nito si James tungkol sa himutok ni Kris na hindi raw pagbibigay ng sustento sa anak nilang si Bimby.

Ayon sa Italian girlfriend ni Yap, “none of her business” na ang sitwasyon ng dating mag-asawa kaya hilig nito na lubayan na lamang na siya.


Aminado naman si Michela na kumplikado ang sitwasyon ngunit ayaw din niyang manghusga kaya hindi na din makisawsaw sa isyu.

Tahimik pa rin naman hanggang ngayon si James sa mga akusasyon sa kaniya ng dati nitong asawa.

Facebook Comments