NO COMMENT | Palasyo, “dedma” sa zero budget para sa mga tutol sa pederalismo

Manila, Philippines — Ayaw magkomento ng Malakanyang sa pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na walang makukuhang budget mula sa pamahalaan ang mga politikong tutol sa pagsusulong ng federalism.

Sabi ni Presidential Communication Sec. Martin Andanar, hindi galing sa palasyo ang nasabing pahayag at ipinauubaya na nila ito kay Alvarez.

Nauna nang sinabi ni Alvarez na bibigyan ng zero budget ang mga mambabatas at local officials na hindi susuporta sa pagpapalit ng porma ng pamahalaan.


Giit ni Andanar, malayang magpahayag ng kanyang saloobin si Alvarez — lalo’t hiwalay naman ang kongreso sa executive branch.

Nilinaw pa nito na noon pa lamang panahon ng kampanya ay naipangako na ni Pangulong Rodrigo Duterte na isusulong niya ang pederalismo sa bansa dahil ito ang nakikita niyang paraan upang mabigyan ng pantay na oportunidad ang mga taga-lalawigan.

Facebook Comments