Sports – Hanggang sa ngayon ay nanatiling tahimik ang Philippine Football Federation sa nangyaring kahihiyan na sinapit ng Philippine Azkals sa Four Nations Tournament sa Taiwan.
Dalawang beses kasing natalo ang Philippine Azkals sa torneo. Pinakamasaklap dito ang 1-0 na pagkatalo sa East Timor kahapon. Ito ang unang panalo ng East Timor sa anumang national team simula noong Marso ng 2015.
Nanalo ang koponan kontra sa Laos sa unang laro nila pero tinambakan ng Chinese Taipei ang Azkals 3-0 sa kanilang paghaharap bago ang kahihiyan kontra sa East Timor.
Ayon kay Dan Palami dapat ay kinonsulta man lamang ng PFF ang National Management ng Philippine Azkals bago nagpadala ng team sa Taiwan.
Sa ipinadalang team kasi, hindi naman lahat ng player ay kasalukuyang miyembro ng national pool. Hindi rin si Thomas Dooley ang nag-coach sa team at hindi rin si Palami ang nagmanage ng koponan.