NO COMMENT | SOJ, tikom ang bibig sa paglilipat ng kustodiya kay Customs Intelligence officer Jimmy Guban

Manila, Philippines – Tumanggi na si Justice Secretary Menardo Guevarra na kumpirmahin ang impormasyong ililipat na sa NBI si Customs Intelligence Officer Jimmy Guban.

Sa isang mensahe, sinabi ng kalihim na confidential na ang isyu kasunod ng naunang pahayag ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon na ipapasok na sa witness protection program si Guban.

Nauna nang nabanggit sa imbestigasyon sa Kamara noong isang linggo na gagawing state witness si Guban.


Ito ay bago pa man iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-aresto ng NBI kay Guban na umaming nasa likod ng pagpapalusot ng 4 na magnetic lifter na inabandona sa GMA Cavite.

Facebook Comments