Manila, Philippines – Tikom ang bibig ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo kaugnay sa ulat ng DILG na may incumbent congressmen ang nadadawit sa iligal na droga.
Sinabi ni Arroyo na wala pa siyang natatanggap na impormasyon mula sa DILG tungkol dito.
Wala pa din aniyang inilalabas na gagawin o hakbang ang liderato ng Kamara hanggat wala pang ibinibigay ang DILG na listahan.
Mababatid na unang sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na mayroong 96 na local government officials kabilang ang ilang kasalukuyang kongresista ang sangkot sa iligal na droga.
Sinabi din ng kalihim na irerekumenda niya kay Pangulong Duterte na isapubliko ang listahan sa mga drug suspects lalo na ngayong papalapit na ang 2019 midterm election.
Facebook Comments