Magpapatupad na rin ng No Contact Apprehension ang Quezon City (QC) Government laban sa mga motoristang lalabag sa batas trapiko at ordinansa ng lungsod.
Bilang bahagi ng Digitalization Program, pinirmahan na ng lokal na pamahalaan at QPAX Traffic System Incorporated ang kasunduan ukol dito.
Ayon kay QC Mayor Joy Belmonte hindi na kailangang personal na tiketan ng mga traffic enforcers ang mga motorista at ipapadala na lang ang notice of violation sa kanilang bahay.
Sabi ng alkalde may labing limang pangunahing kalsada sa lungsod ang kakabitan ng mga CCTV camera.
Bahagi aniya ito ng mga hakbang ukol sa contactless services na programa ng Local Government Unit (LGU) laban sa COVID-19.
Facebook Comments