No contact apprehension, paiigtingin pa ng MMDA ngayong nasa Alert Level 1 ang Metro Manila

Paiigtingin pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang no-contact apprehension sa EDSA sa gitna ng pagdami ng mga motorista ngayong nasa pinakamababang Alert Level status na ang Kamaynilaan.

Ayon kay EDSA Traffic Czar Col. Bong Nebrija, noon pa nila pinaghandaan ang pagdami ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA kung kaya’t tututukan nila ang mga kalsadang nagsisilbing “chokepoint” o yung madalas pinagmumulan ng bigat ng daloy ng trapiko.

Sabi pa ni Nebrija, mananatili pa rin ang mga concrete barriers sa EDSA sa kabila ng ilang mga naupaulat na aksidente kaugnay nito.


Samantala, naghahanda na rin ang ilang Local Government Units (LGU) ng mga hakbang para maibsan ang bigat ng trapiko kung saan ibabalik na ng Makati LGU ang full coding simiula Marso 16.

Ibig sabihin, bawal sa kalsada ang mga sasakyan na sakop ng number coding mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi.

Facebook Comments