“No Contact Apprehension Policy”, hiniling ng isang senador na itigil muna

Ipinatitigil ni Senator JV Ejercito ang “No Contact Apprehension Policy” (NCAP) ng mga lokal na pamahalaan.

Giit ni Ejercito, huwag na munang ipatupad ang polisiya hanggang hindi pa napeperpekto ang sistema.

Tinukoy na maraming mga motorista lalo ang mga motorcycle riders at mga courier riders ang nagrereklamo dahil sa maraming beses na pagbabayad ng multa.


Ipinunto ni Ejercito na mga courier riders ang ilan sa mga nagpapasigla ng ekonomiya.

Kasama rin sa mga umaapelang ipatigil ang NCAP ang Land Transportation Office (LTO) dahil sa dami ng mga nagrereklamo.

Dagdag pa ng mambabatas, maganda sana ang konsepto ng polisiya na layong masawata ang pangongotong ng mga traffic enforcers.

Facebook Comments