No-contact apprehension program sa Quezon City, umarangkada na; 30 motorista, nakitaang lumabag sa batas-trapiko

Nasa 30 motorista ang nakitaan ng paglabag sa batas-trapiko kasunod ng pag-arangkada ng no-contact apprehension program sa Quezon City.

Ito ay base sa pagmomonitor ng ilang traffic enforcers at kawani ng Quezon City Task Force for Transport and Traffic Management.

Ayon kay QC Task Force for Transport and Traffic Management Chief Dexter Cardenas, kalimitan sa paglabag na naitatala nila ay Beating the Red Light at Disregarding the Lane Markings.


Pero ayon kay Cardenas ay bubusisiin pa nila ang mga nakuhang litrato at dadaan sa Approving Committee bago ipapadala ang notice sa mga violator.

Mayroon namang sampung araw ang violator upang magsumite ng paliwanag at ebidensya sa Traffic Adjudication Board upang patunayan na hindi ito ang nagmamaneho ng sasakyan.

Mahaharap naman sa multa na madadagdagan kada buwan sakaling hindi sumipot ang may-ari nito.

Facebook Comments