“No contact” policy, ipapatupad ng mga simbahan sa nalalapit na paggunita ng Ash Wednesday

Magpapatupad pa rin ng “no contact” policy ang mga simbahan sa bansa kasabay ng paggunita ng Ash Wednesday, ang hudyat ng pagsisimula ng panahon ng Kwaresma.

Ayon kay Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila, alinsunod sa utos ng Vatican imbes na ang tradisyunal na pagpahid sa noo, ay napagdesisyunang ibubudbod na lamang sa ulo ng mga nagsisimba ang abo.

Bilang pag-iingat na rin ito sa COVID-19 pandemic na katulad pa rin nang ginawa noong nakaraang taon.


Facebook Comments