“No day off policy”, ipatutupad ng PNP simula Disyembre 15 bilang paghahanda sa Pasko

Pinaghahandaan na ng Philippine National Police (PNP) ang panahon ng Kapaskuhan.

Maaga pa lamang, inanunsyo na ni PNP Public Information Office Chief PBGen. Jean Fajardo na ipatutupad nila ang “No day off policy” simula Disyembre 15 hanggang Enero 12, 2025.

Ani Fajardo, bahagi ito ng pagpapaigting ng kanilang puwersa dahil inaasahan ang pagdagsa ng mga tao sa paliparan, pantalan, simbahan, malls, mga pasyalan, at iba pa.


Itataas din ng PNP sa Heightened Alert ang kanilang status para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng publiko sa panahong ito.

Batay sa datos ng PNP, bumaba ng mahigit 21% ang mga naitalang krimen sa bansa buhat nang magsimula ang Ber months ngayong taon mula sa mahigit 25% sa kaparehong panahon noong isang taon.

Facebook Comments