No disconnection policy ng Meralco, hiniling na palawigin

Umapela si Bayan Muna Partylist Representative Carlos Isagani Zarate sa Meralco na palawigin pa hanggang anim na buwan ang ‘no disconnection policy’ nito.

Ito ay para mabigyan pa ng mahabang panahon ang mga customer na maging stable ang kanilang finances at makumpleto ang bayarin sa kuryente matapos na maapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa pandemya.

Una nang pinalawig ng electric company hanggang January 31, 2021 ang kanilang ‘no disconnection policy’ na dapat sana ay matatapos na ngayong katapusan ng Disyembre.


Samantala, umaasa rin ang mambabatas na maipagpapatuloy ng Kamara ang imbestigasyon nito hinggil sa umano’y overcharging ng Meralco sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments