No-disconnection policy ng Meralco, palalawigin hanggang sa susunod na taon

Inanunsiyo ng pamunuan ng Meralco na palalawigin ang no-disconnection policy hanggang January 31 sa susunod na taon para sa mga customer na hindi makapagbabayad ng kanilang electric bills.

Dahil dito, aabot sa 3 milyong customers ng Meralco ang makikinabang sa konsumong aabot sa 200 kilowatt per hour.

Ayon kay Chairman Energy Regulatory Commission (ERC) Agnes Devanadera, sakop nito ang mga major cities ng Metro Manila kung saan, maging ang mga supplier ng mga kuryente ay kailangan ding magbigay ng grace period.


Samantala, inatasan din ng ERC ang Meralco at iba pang kooperatiba na abisuhan ang mga customer sa kanilang susunod na babayarang bill.

Facebook Comments