No disconnection policy sa mga MECQ areas, pinalawig pa ng Meralco hanggang September 7

Pinalawig ng Manila Electric Company (Meralco) ang no disconnection policy para sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

Sa inilabas na anunsiyo ng Meralco, hindi muna sila magpuputol ng kuryente hanggang sa September 7.

Ipapatupad ito sa ilang lugar sa bansa tulad ng; Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal at Lucena City sa Quezon Province.


Ang hakbang ay bilang pagbibigay-konsidera sa mga customer ng Meralco na apektado ng quarantine classification dahil sa COVID-19.

Facebook Comments