"NO-EL" | COMELEC, magsasagawa ng public hearing sa Mindanao

Manila, Philippines – Magsasagawa ng mga pagdinig ang Commission on Election (COMELEC) sa Mindanao ngayong buwan upang mabigyan ng pagkakataon mag labas ng saloobin ang mga apektadong indibidwal sakaling hindi matuloy ang Barangay at SK Election sa Mayo dahil sa umiiral na Martial Law sa Mindanao.

Sa ilalim ng Minute Resolution 17- 0743 ng COMELEC en Banc, itinakda sa January 22, ang unang public hearing sa 700 Gov. Carmins Ave, Zamboanga City.

Habang ang ikalawang pagdinig naman ay gagawin sa January 29, sa Alnor Commercial Center, Cotabato City.


Sa mga pagdinig na ito ayon sa komisyon ay iimbitahan ang Department of Interior and Local Government (DILG), National Youth Commission (NYC), Sangguniang Kabataan Federation, Non-Government Organizations, at iba pang accredited Citizen’s Arm.

Kaugnay nito, pinaplano na rin ng COMELEC na magsagawa ng ikatlo pang public hearing sa Cagayan de Oro City

Facebook Comments