‘No-el’ scenario, posibleng mangyari kapag hindi naipasa ang 2019 budget

Nanindigan ang Kamara na dapat maipasa ang panukalang 2019 national budget.

Ito ay kasunod ng pahayag ng Senado na isusulong ang re-enactment ng 2019 General Appropriations Act ngayong taon.

Ayon kay Camarines Sur Representative Rolando Andaya Jr., chairperson ng House Committee on Appropriations – ang posisyon ng Senado sa budget measure ay kanilang “internal matter”.


Aniya, tutol ang Mababang Kapulungan sa re-enacted budget.

Hinimok ni Andaya ang mga senador na huwag abandonahin ang Bicameral conference proceedings.

Umaasa si Andaya na magiging positibo pa rin ang resulta ng mga pagdinig.

Babala naman ni House Deputy Minority Leader at NATCCO Party-List Representative Anthony Bravo – posibleng maantala ang midterm elections sa Mayo kapag hindi naipasa ang 2019 budget.

Facebook Comments