‘No face shield, no entry’ sa palengke sa QC, sinimulan nang ipatupad

Pinapatupad na rin dito sa lungsod ng Quezon ang ‘no face shield, no entry’ sa tuwing papasok sa palengke.

Inatasan ni QC Mayor Joy Belmonte ang Quezon City Market Development and Administration Department na gawin ang lahat para maproteksyunan ang publiko sa virus.

Sa interview ng DZXL RMN Manila, sinabi ni Belmonte na malaki ang maitutulong sa paggamit ng face shield bilang karagdagang proteksyon sa virus na COVID-19.


Ganito rin ang pananaw ng mga nagtitinda at namimili dito sa Mega Q-Mart kaya’t suportado nila ang bagong patakaran.

Kahapon lamang nang unang ipinatupad ang pagbabawal sa pagpasok sa palengke kapag walang suot na face shield.

Dahil dito, winawarningan muna sila sabay pakiusap na sumunod sa patakaran.

Samantala, umabot na sa 7,355 ang kumpirmadong kaso ng Coronavirus sa QC, 4,695 na ang gumaling at 309 na ang namatay.

Facebook Comments