NO FUND | Mga proyektong imprastraktura, ibinabalang hindi matatapos

Manila, Philippines – Nagbabala si Albay Representative Edcel Lagman na hindi matatapos ng Duterte administration ang mga proyektong imprastraktura ng 17 legislative districts sa 2018.

Ito ay matapos desisyunan ng Kongreso na tanggalan ng pondo para sa susunod na taon ang mga nakalatag na proyekto sa mga distrito.

Ayon kay Lagman – malaking epekto ito sa mga itinatayong kalsada, tulay, highway patungo sa mga tourism destinations.


Hindi rin makukumpleto ang mga diversion roads para mapaluwag ang trapiko at istrakturang pangontra baha.

Giit ni Lagman, mas lalo lamang pinaparusahan at pinapahirapan ng Kongreso ang mga apektadong residente.

Nabatid na 24 mambabatas na miyembro ng opposition at makakaliwa ang naiulat na tinapyasan ng pondo.

Facebook Comments