No Gift, No Take Policy – suportado ng mga empleyado ng BOC

99

Manila, Philippines – No big deal, ito ang naging tugon ni BOC Employees Association President Remedios Princesa sa talumpati ni bagong BOC Commissioner Isidro Lapeña na ‘No Gift, No Take Policy’ kung saan suportado nila ang lahat ng mga polisiyang ipatutupad ni Lapeña.

Ayon kay Princesa, noon pa man ay ginagagawa na nila ang ‘No Gift, No Take Policy’ kaya hindi na umano bago sa kanila ang naturang patakaran.

Paliwanag ni Princesa, sinusuportahan nila ang lahat ng mga polisiyang ipatutupad ni Lapeña sa ahensiya at handa umano silang makipagtulungan sa bagong upong BOC Commissioner.


Giit ni Princesa, hindi dapat pag-iinitan ang kanilang hanay dahil nagtatrabaho sila ng naaayon sa batas at wala umano silang nilalabag ng anumang polisiya sa ahensiya.

Handa umano silang makipagtulungan kay Lapeña para mawala ang masamang imahe at maibalik ang tiwala ng publiko sa BOC.

Facebook Comments