Magmumulta ang sinumang lalabag sa Ordinance No.1922-2008 Providing Supplementary Rules on the Use of Motorcycle Helmet o No Helmet No Riding Policy sa Dagupan City.
Mahigpit na ipapatupad ito sa sa darating na September 25, 2017. Ayon sa Public Order aand Safety Office Dagupan o POSO ang buong linggong ito ay pagpreprepara sa mga motorista ng sa gayon ay hindi sila mabigla sa nasabing ordinansa. Hindi na kukumpiskahin pa ang kanilang lisensya at bibigyan na agad sila ng multa at tatlong araw na palugit upang mabayaran ang P1,500.
Ang ordinansang ito ay pagsuporta sa R.A 10666 AN ACT PROVIDING FOR THE SAFETY OF CHILDREN ABOARD MOTORCYCLE or CHILDREN SAFETY ON MOTORCYCLE ACT OF 2015.
Facebook Comments