‘No Helmet, No Travel Policy’ sa Tuguegarao City, Sinuspinde kasabay ng Banta ng ISIS!

Sinuspinde muna ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano ang implementasyon ng “No Helmet, No Travel Policy” sa Lungsod.

Kasunod ito sa umano’y banta at planong pag atake ng teroristang Islamic State of Iraq and Syria o ISIS sa Lungsod.

Kaugnay nito, pinawi naman ni PoliceLt./Col George Cablarda, Hepe ng PNP Tuguegerao ang pangamba ng mga mamayan sa lungsod sa posibleng pag atake ng mga ito sa pagdiriwang ng kapistahan ng nasabing lungsod.


Ayon pa kay Cablarda na pawang gawa-gawa lamang ang kumakalat sa social media na ang mga dayuhang terorista ay tumutuloy sa isang hotel sa siyudad.

Bagamat suspendido ang nasabing ordinansa, mananatiling mahigpit ang mga kapulisan sa pagpapatrolya at sa mga nakalatag na checkpoints.

Magsasagawa din ng inspeksyon ang otoridad sa pagsusuri ng mga dala-dalang gamit ng mga makikilahok sa Afi festival upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.

Habang inatasan naman ng alkalde ang hepe ng kapulisan sa Lungsod na imbestigahan at kasuhan ang mga nagpapakalat ng pekeng impormasyon tungkol sa paglusob ng mga ISIS.

Sa ngayon nananatiling payapa ang pagdiriwang ng ika 295 taong kapistahan ng Lungsod ng Tuguegarao.

Facebook Comments