‘No homework bill’ – ipinagtanggol ni Rep. Escudero

Ipinagtanggol ni Sorsogon Representative at Deputy House Speaker Evelina Escudero ang panukalang ipagbawal ang pagbibigay ng homework sa mga estudyante.

Sa interview ng RMN Manila, muling iginiit ng mambabatas na dapat mabigyan ng quality time para sa kanilang sarili at sa kanilang pamilya ang mga bata.

Samantala, nauna nang sinabi ng DepEd na pabor ito sa nasabing panukala.


Katunayan ayon kay DepEd spokesperson Annalyn Sevilla – taong 2010 ay may polisiya na ang ahensya sa pagbabawal na magbigay ng assignment sa mga elementary students tuwing weekend.

Aniya, naaabuso kasi ang pagbibigay ng homework kaya aminado ang DepEd na dapat itong ma-regulate.

Facebook Comments