Mahigpit na babantayan ng School Division 1 Department of Education Pangasinan ang ‘no homework on weekends policy’ matapos ang paghahain ng ‘no homework policy’ sa kamara na naglalayon umanong bigyan ng quality time ang mga mag-aaral sa kanilang pamilya.
Sa panayam ng iFM Dagupan kay Dr. Carmina Guttierez, tagapagsalita ng SDO1 Pangasinan, nanawagan ito sa mga guro na panatalihin ang DepEd Order 392-2010 o hindi pagbibigay ng assignment sa mga estudyante tuwing weekends.
Kaugnay nito bukas naman sa innovation ang departamento ukol sa ‘no homework policy’ na isinusulong sapagkat ipinapatupad sa buong rehiyon uno ang Happy School Movement na daan umano upang gawing masaya ang learning process ng bawat mag-aaral.
Samantala, wala pa namang namomonitor na lumalabag na guro sa SDO1 Pangasinan ukol sa ‘no homework on weekends policy’ at sinabing mas palalakasin ang kampanya ukol dito.
###