No-jail order ni PNP Chief Eleazar sa mga face mask violator, dapat masunod

108
Courtesy: General Guillermo Eleazar

Buo ang suporta ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa kautusan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Guillermo Eleazar na huwag ikulong sa selda ng pulisya ang mga lalabag sa pagsusuot ng face mask.

Katwiran ni Recto, ano ang saysay na hulihin ang mga mali ang pagsusuot o hindi nakasuot ng face mask kung sa bilangguan naman sila mahahawa ng COVID-19.


Diin ni Recto, tama ang tagubilin ni General Eleazar na walang maltrato, walang abuso at huwag ikulong ang mga face mask violator at dalhin na lang kung saan pwede silang pagmultahin base sa lokal na ordinansa.

Mainam din para kay Recto kung mamimigay ng face mask ang mga nagpapatrolyang pulis.

Facebook Comments