Manila, Philippines – Hinikayat ni Caritas Manila Executive Director Father Anton Pascual ang mga mananampalataya na mangilin ngayong panahon ng kuwaresma.
Ayon kay Fr. Anton, ang hindi pagkain ng karne tuwing Biyernes ay isang gawain na nagpapakita ng mabuting pag-aalaga ng tao sa kanyang sarili at sa kanyang kapaligiran.
Bukod pa rito ang hindi aniya pagkain ng karne tuwing Biyernes ay lubos na nakatutulong sa maging sa kalikasan at ispirituwal na aspeto ng buhay.
Paliwanag ni Father Anton, na ang no meat Friday ay isang magandang paraan upang maging responsableng stewards o katiwala ng Diyos sa mga ipinagkaloob sa kanya gaya ng katawan at kalikasan, at isa aniyang mabuting paraan upang ipakita ang pagiging good stewards ay ang pangalagaan ang mga ipinagkaloob sa kanya.