NO MERCY! | NCRPO Chief, may babala sa mga pulis na masasangkot sa indiscriminate firing

Manila, Philippines – No mercy!

Ito ang babala ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde sa mga pulis na masasangkot sa indiscriminate firing ngayong pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay Albayalde, ito ang kautusan ni PNP Chief General Ronald dela Rosa sa mga pulis na maaaktuhan, mahuhuli at mapapatunayang nasangkot sa indiscrimnate firing.


Aniya, automatic na matatanggal sa serbisyo ang pulis na lalabag sa kautusan na ito ng PNP Chief may patay man o wala dahil sa pagpapaputok ng baril.

Bukod sa walang awa ay hindi rin bibigyan ng ikalawang pagkakataon ang pulis anuman ang dahilan kaya ito nasangkot sa indiscriminate firing.

Dagdag pa ni Albayalde, malinaw naman ang marching order sa kanilang mga pulis kaya malinaw din ang kakaharapin na parusa sa mga susuway dito.

Facebook Comments